blog, writing

Di lang iisang beses (Updated)

This was supposed to be a peice I wrote for a spoken poetry but I never got to record it so I’ll put it here first.

Di lang iisang beses

Di lang iisang beses, na nagawa mo kong paniwalain na merong forever

Di lang iisang beses na binawi

Then sinabi mong “I guess we’re really not meant to be together”

Ang sakit diba?

Kase ako eto si tanga, sobrang asang-asa.

Di lang iisang beses, na sinabi kong lilimutin na kita

Di lang din iisang beses na sinabi kong nagawa ko na.

So tingin mo ba nagawa ko na? nangyari na?

Higit pa, sigurado akong di lang iisa, na pumasok ka sa panaginip ko, punyenta ka!

Tapos dun pa yun sa mga panahong sinabi kong nalimot na kita.

Nakakaloko diba?

Isa, dalawa o maaring tatlo o baka nga hight pa,

Yun yung bilang ng taon na huli tayong nagkita.

Ngunit bakit ganun yung mga alaala mo sa puso ko sobrang linaw pa nila.

Alam ko hihigit pa sa isa yung mga pagkakataong gusto kitang kausapin

Para sabihin yung tinatago kong damdamin

Pero pinipigilan ko, kase alam kong di ka na kelan man magiging akin.

Yung birthday mo nakatatak na sa isipan ko,

Binabati kita, di lang iisang beses

Sa text, facebook, pati sa panaginip.

Ang tanga ko diba?

Di lang iisang beses na nasabi yan sa akin, kaya oo alam ko.

Di na kailangang ulit-ulitin pa.

Pero anong magagawa ko?

Lageng basag yung utak ko, sa puso ko.

Sabi ng puso ko nang di lang iisang beses

“Lahat sila maloloko mo na yung damuho eh nalimot mo, pero wag ako. Wag mo lokohin sarili mo.”

Di lang iisa yung buwan na lumipas na akala ko totoo na,

Na this time nalimot na talaga kita,

Pero ang kulit ko kase, paulit-ulit na lang

Masaya ka na alam ko, di lang iisang beses kong nakita at nadama yun

Pero yung puso ko kase ayaw makinig

Eto sige pa din si ako nagpapakagago mapalapit lang ulit sayo

Ilang ulit bang kelangan isaksak sa puso’t isip ko na di na ako?

Na di na magiging tayo?

Malamang di lang din iisang beses,

Kahit nga siguro ilang libong beses ko ulitin, at ng mga taong nakapaligid sa akin yung katotohanan na masaya ka na

Masaya ka na

Sa kanya.

Sa iba.

PS: Yes, this is about you.

@reikableu

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s